Huwebes, Abril 23, 2015

MY IDEAL MAN

    Isang araw naisip ko na sino nga ba ang nakalaan para sa akin. Napaisip ako na basta na lamang ba ako magpapasok ng isang tao sa buhay ko. Parang may bumulong sa akin na "syempre hindi diba may mga katangian ka na gusto mo makita sa taong magiging kapareha mo habang buhay". Gumising ako sa katotohanang hindi pa panahon para sa mga bagay na ito. Pero gusto ko lang naman sa isang lalaki ay mabait, yun bang irerespeto ako at yung tatanggapin ako, magaling magbasketball, mag gitara, kumanta, sumayaw, matangkad, masipag at syempre marunong makisama. Minsan may isang dalaga na naglalakad sa isang pampublikong lugar may biglang nagtanong skanya ng "miss pwede bang makisabay maglakad?" ang tanging nasagot lang ng dalaga ay "yah sure" sa pag tingin ng dalaga sa nagtanong sakanya isang matangkad, at tila basketbolista ito dahil sa suot nyang damit na uniporme ng basketball at may dala pa itong gitara. Habang naglalakad sila inalok ng binata ng isang magandang kanta ang dalaga. napaka ganda ng boses ng binat tila bay nang-aakit. habang masaya silang naglalakad hindi nila namalayan na andun na pala sila sa pupuntahan nila. Bago sila naghiwalay nagpalitan ng numero ang dalawa. Nagkatxt sila halos dumating na sa punto na niligawan nung lalaki yung dalaga. Isang taong pinaghirapan ng lalaki na mapasagot ang dalaga, pagkatapos sagutin ng babae ang binata masya sila sa kanilang relasyon. Tumagal sila ng 1taon at walong buwan akala nila sila na talaga hanggang huli pero hindi pala. Dumating yung time na naghiwalay sila dahil sa simpleng dahilan ito ay ang pangingibang bansa ng lalaki. Bago makaalis ang binata nagkita sila, sa takot ng dalaga sa nababalitaan nya na pag long distance malabo na ang magiging relasyon ninyo kaya kahit mahal na mahal nya yung binata nakipaghiwalay sya. Kung ano anong paliwanag ang ginawa ng binata pero hindi ito pinakinggan ng dalaga. Hanggang sa makaalis na ang binata pinatunayan pa din nya na kahit saan sya mapunta sya lang ang dalaga lang mamahalin nya. Lumipas ang tatlong taon at pinuntahan muli ng binata ang dalaga pero huli na ang lahat naka moveon at may iba na ang dalaga. Pero sya talaga yung pinapangarap ng dalaga natakot lamang ito dahil sa magkalayo sila. Yan ang kwento na nagmula sa isang IDEAL MAN. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento