Paano ba makalimot? Ito
madalas ang tanong ng mga taong nasasaktan at nabibigo sa pag-ibig. Isa lang
naman ang paraan para malimot tayo sa mga taong naging dahilan ng pagka bigo natin.
Walang ibang tao na makakatulong satin para makalimot kundi tayo lamang sa
sarili natin ang tutulong para tayo ay makalimot. Mayroon akong ilang alam na
makakatulong sa atin para makalimot (1) Kung ikaw ay kanyang sinaktan matuto
kang magpatawad, alam naman nating lahat na may mga taong mahirap para sa knila
ang magpatawad sa dahilang siguro nasaktan talaga sila ng todo todo pero anuman
ang mangyari kaailangan natin patawarin ang mga taong nagkasala sa atin. Pag
napatawad na natin yung taong nakasakit sa atin hindi mo mamamalayan na nakalimutan
mo na pala yung mga bagay-bagay na ng yari sainyo.(2) Kailangan mo tanggapin na
hindi talaga para sya sayo kaya nawala sya sa buhay. Matuto tay]ong tumanggap
ng mga bagay na hindi nakalaan para sa atin.(3) Kailangan natin kalimutan yung
mga bagay na naging masaya kayo na magkasama dahil hanggat inaalala mo iyon at
hindi mo aalisin sa isip mo hindi ka lalo mkakalimot. Paulit-ulit kang
masasaktan pag hindi mo kinalimutan yung mga bagay ng konektado sa inyong
dalawa.(4)at ito na ang huli putulin mo lahat ng ugnayan sa pagitan nyong
dalawa.Kailangan
mo magkaroon ng mga limitasyon para sa iyong sarili. Gawin mong aral para sa iyo
ang mga naranasan mong sakit. Magkaroon ka ng lakas ng loob para harapin ang
mga taong labis na nakasakit sayo. Magpatawad ka kung handa kana na patawarin
sila. iiwan ko ang mga salitang "Matuto tayong makalimot sa mga pangyayari
na nakasakit sa atin. Kalimutan ang nagawa saiyo ng isang tao hindi yung tao na
nakasakit sayo".
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento