Isang araw
naisip ko na sino nga ba ang nakalaan para sa akin. Napaisip ako na basta na
lamang ba ako magpapasok ng isang tao sa buhay ko. Parang may bumulong sa akin
na "syempre hindi diba may mga katangian ka na gusto mo makita sa taong
magiging kapareha mo habang buhay". Gumising ako sa katotohanang hindi pa
panahon para sa mga bagay na ito. Pero gusto ko lang naman sa isang lalaki ay mabait,
yun bang irerespeto ako at yung tatanggapin ako, magaling magbasketball, mag
gitara, kumanta, sumayaw, matangkad, masipag at syempre marunong makisama. Minsan
may isang dalaga na naglalakad sa isang pampublikong lugar may biglang
nagtanong skanya ng "miss pwede bang makisabay maglakad?" ang tanging
nasagot lang ng dalaga ay "yah sure" sa pag tingin ng dalaga sa
nagtanong sakanya isang matangkad, at tila basketbolista ito dahil sa suot
nyang damit na uniporme ng basketball at may dala pa itong gitara. Habang
naglalakad sila inalok ng binata ng isang magandang kanta ang dalaga. napaka
ganda ng boses ng binat tila bay nang-aakit. habang masaya silang naglalakad
hindi nila namalayan na andun na pala sila sa pupuntahan nila. Bago sila
naghiwalay nagpalitan ng numero ang dalawa. Nagkatxt sila halos dumating na sa
punto na niligawan nung lalaki yung dalaga. Isang taong pinaghirapan ng lalaki
na mapasagot ang dalaga, pagkatapos sagutin ng babae ang binata masya sila sa
kanilang relasyon. Tumagal sila ng 1taon at walong buwan akala nila sila na
talaga hanggang huli pero hindi pala. Dumating yung time na naghiwalay sila
dahil sa simpleng dahilan ito ay ang pangingibang bansa ng lalaki. Bago
makaalis ang binata nagkita sila, sa takot ng dalaga sa nababalitaan nya na pag
long distance malabo na ang magiging relasyon ninyo kaya kahit mahal na mahal
nya yung binata nakipaghiwalay sya. Kung ano anong paliwanag ang ginawa ng
binata pero hindi ito pinakinggan ng dalaga. Hanggang sa makaalis na ang binata
pinatunayan pa din nya na kahit saan sya mapunta sya lang ang dalaga lang mamahalin
nya. Lumipas ang tatlong taon at pinuntahan muli ng binata ang dalaga pero huli
na ang lahat naka moveon at may iba na ang dalaga. Pero sya talaga yung
pinapangarap ng dalaga natakot lamang ito dahil sa magkalayo sila. Yan ang
kwento na nagmula sa isang IDEAL MAN.
Huwebes, Abril 23, 2015
"KAILAN BA DAPAT"
Minsan may
mga bagay na hindi dapat pero yun padin yung mga bagay pinipilit nating makuha,
ganyan tayong mga tao alam naman natin na hindi dapat ang isang bagay pero
pinipilit parin natin.
Dahil sa mga bagay na hindi naman talaga
dapat marami sa atin ang nasasaktan. Kailangan pag-isipan natin kung kailan ba
talaga dapat ang isang bagay. kadalasan kabataan ang biktima ng mga ganitong
sitwasyon. Natatanong nila na kailan ba dapat tulad nalang ng kailan ba dapat
akong magmahal, yan ang mga tanong na gumugulo sa isipan ng mga kabataan.
Bilang isang kabataan maipapayo ko lang ay matuto tayong maghintay. May
nakalaan namang tamang panahon para sa mga bagay-bagay na gumugulo sa ating
isipan at yung kailan ba dapat na tanong na yan ay masasagot nyo pag dumating
na yung time na para sa inyo. Wag tayong mainip dahil yung mga bagay na hindi
dapat pwedeng maging dapat may tamang panahon nga lang.
Miyerkules, Abril 22, 2015
"TIWALA"
Tiwala
pinaka mahalagang mayroon ka sa isang tao. Pero ito madalas yung nawawala sa
iba't- ibang dahilan. Kaya kung may tiwala s Tiwala
pinaka mahalagang mayroon ka sa isang tao. Pero ito madalas yung nawawala sa
iba't- ibang dahilan. Kaya kung may tiwala sa iyo ang isang tao matuto kang
ingatan ito. Sapagkat hindi ito katulad ng mga bagay na mayroon na na nabibili
ng pera. Npaka hirap kunin ang tiwala sa isang tao kung alam nilang sasayangin
mo lang ito. Ang tiwala ay parang isang salamin na pag nabasag hindi na muling
maibabalik pa sa dati nyang anyo, maibalik mo man ito may lamat na. Pag
nagtiwala ka sa isang tao at binigo nya ito mawawalan kana ng dahilan para
pagkatiwalaan sya muli. Minsan may mga taong nagbibigat ng pangalawang
pagkakataon pero hindi na ganun kalaki yung tiwala natin sa kanya magbabago na
ang lahat hindi na kayang ibalik yung buong tiwala natin sa kanya. Minsan kung
sino pa yung mga taong pinagkakatiwalaan natin ng sobra-sobra sila pa yung
bumibigo sa atin. Kaya ang iba hindi na nagtitiwala kahit kanino man. Nadadala
sila dahil nabigo ng iba yung tiwala nila. Napaka laking epekto sa isang
relasyon pag wala kayong tiwala sa isa't- isa walang papatunguhan ang relasyon
nyo kapag wala kayo tiwala sa isa't-isa. Tandaan na TIWALA ang nagpapatatag sa
bawat relasyon na mayroon tayo.
"PAANO BA MAKALIMOT"
Paano ba makalimot? Ito
madalas ang tanong ng mga taong nasasaktan at nabibigo sa pag-ibig. Isa lang
naman ang paraan para malimot tayo sa mga taong naging dahilan ng pagka bigo natin.
Walang ibang tao na makakatulong satin para makalimot kundi tayo lamang sa
sarili natin ang tutulong para tayo ay makalimot. Mayroon akong ilang alam na
makakatulong sa atin para makalimot (1) Kung ikaw ay kanyang sinaktan matuto
kang magpatawad, alam naman nating lahat na may mga taong mahirap para sa knila
ang magpatawad sa dahilang siguro nasaktan talaga sila ng todo todo pero anuman
ang mangyari kaailangan natin patawarin ang mga taong nagkasala sa atin. Pag
napatawad na natin yung taong nakasakit sa atin hindi mo mamamalayan na nakalimutan
mo na pala yung mga bagay-bagay na ng yari sainyo.(2) Kailangan mo tanggapin na
hindi talaga para sya sayo kaya nawala sya sa buhay. Matuto tay]ong tumanggap
ng mga bagay na hindi nakalaan para sa atin.(3) Kailangan natin kalimutan yung
mga bagay na naging masaya kayo na magkasama dahil hanggat inaalala mo iyon at
hindi mo aalisin sa isip mo hindi ka lalo mkakalimot. Paulit-ulit kang
masasaktan pag hindi mo kinalimutan yung mga bagay ng konektado sa inyong
dalawa.(4)at ito na ang huli putulin mo lahat ng ugnayan sa pagitan nyong
dalawa.Kailangan
mo magkaroon ng mga limitasyon para sa iyong sarili. Gawin mong aral para sa iyo
ang mga naranasan mong sakit. Magkaroon ka ng lakas ng loob para harapin ang
mga taong labis na nakasakit sayo. Magpatawad ka kung handa kana na patawarin
sila. iiwan ko ang mga salitang "Matuto tayong makalimot sa mga pangyayari
na nakasakit sa atin. Kalimutan ang nagawa saiyo ng isang tao hindi yung tao na
nakasakit sayo".
Martes, Abril 14, 2015
MAPAG-LARONG TADHANA
Oh!Sadyang Kayliit
ng mundong Pilit
Tayong pinaglalapit
Wala na ang Pait
Ng nkaraang puro Sakit
Ang dulot ng Malasakit
sa puso ay umukit
Mata mo na ka'y Rikit
na sa aki'y Umakit
Para bang sa puso ko'y ikay dumikit
Pag-ibig na nga ba ang aking nararamdaman
Samantalang ikaw ay Dumaraan
Lamang sa aking Harapan
Ikaw ang hangad ko makasama magpakailanman
Subalit ikaw ay Lumisan
Akala Ko akoy iyo nang nilayasan
Nang masilayan ka muli Kinabukasan
Ang puso koy muling binuksan
upang ipagtapat ang aking nadarama
Hindi na magdadrama pa
Upang Maipadama
Sa aking sinisinta
Ang pag-ibig na dati pa
Sakanya Nais Ipadama
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)